Advertisers

Advertisers

No extension sa deadline sa pagbibigay ng holiday, 13th month pay – DOLE

0 248

Advertisers

KINUMPIRMA ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi na nila palalawigin ang deadline na kanilang inilatag sa mga kumpanya sa pagbibigay ng holiday pay, at 13th month pay sa mga empleyado o manggagawa ng mga ito.
Ayon sa DOLE dapat na matanggap ng mga manggagawa o mga kawani ng mga kumpanya ang 13th month pay bago sumapit o sa mismong araw ng Disyembre 24.
Naunang inihayag ni ALU-TUCP Spokesman Alan Tanjusay na maituturing din na paglabag sa batas kung mabibigo ang mga kumpanya na bayaran ang mga unpaid holiday pay ng mga empleyado hanggang sa Disyembre 31. (Josephine Patricio)