Advertisers
LUMIPAD pabalik ng Pilipinas si Allen Durham para tulungan ang Meralco at tapusin ang unfinished business sa PBA.
Ang American import ay mayroong isa na namang tour of duty sa Bolts, matapos magwagi sa nakaraang Philippine Cup, at puntirya na maiuwi ang trono sa season-opening Governors’ Cup sa susunod na buwan.
Huling nagsout si Durham ng Bolts uniform noong 2020 ng tulungan ang Bolts sa Governors Cup kung saan nabigo sila sa karibal na Barangay Ginebra sa finals.
Bag o iyon, pinamunuan na ni Durham ang Meralco sa dalawang finals appearance na parehong natalo sa Gin Kings.
Noong kanyang panahon sa PBA, ang 26 year-old Durham ay nahirang na Best Import awards ng tatlong beses.
Habang nasa malayo si Durham ay abala sa paglalaro sa Japan, kung saan naglaro siya sa Ryukyu Golden Kings, at nasungkit ang 2023 title habang nakamit ang Finals MVP plum.
Babalik siya ngayon sa Pilipinas upang tulungan ang Meralco na masakote ang titulo sa import laden conference.
Samantala, NLEX, Magnolia, at Blackwater ay inanunsyo na ang kanilang reinforcements na ang Road Warriors tinapik ang dating NBA player Myke Henry habang ang Hotshots at ang Bossing kinuha ang serbisyo ni Glenn Robinson III at Ricky Ledo, ayon sa pagkakasunod.