Advertisers

Advertisers

Paggamit ng digitalization at solar power sa mga paaralan isinusulong ni PBBM

0 13

Advertisers

ISINUSULONG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paggamit ng digitalization at solar-powered electricity sa mga paaralan at silid-aralan.

Sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA), binigyang-diin ni PBBM ang kahalagahan ng reporma sa edukasyon sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.

“The perennial problem surrounding textbooks shall be resolved,” giit ng Presidente.



Aniya, mahalaga na ang mga ginagawang instructional materials, lalo na ang mga aklat, ay up-to-date at error-free.

Sinabi ng punong ehekutibo na maituturing na hamon kay Department of Education (DepEd) Sec. Sonny Angara na tiyaking ang pagbangon at pagtaas ng kalidad ng edukasyon sa bansa, sa lalong madaling panahon.

“Clearly, of course the quality of our education rests on the quality of our teachers. Every classroom that we build will be but an empty and lifeless structure without its moving force — the teacher,” sabi pa ni Pangulong Marcos. (Gilbert Perdez)