Advertisers
Ang tambalang Isko at Ali Atienza ay masasabi na hindi inaasahan ngunit kinakailangan ng Maynila.
Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na si “Yorme” Isko Moreno Domagoso ay kilala na isa sa pinakamahusay na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Samahan pa ang pagbabalik niya na may katambal rin na isang beterano at kilala dahil sa mahusay na pamumuno niya at ng kanyang ama na dating alkalde na si Lito Atienza ay talaga namang mahirap tibagin ang tambalang ito.
Subok na sa pamumuno, may magandang iniwan, at babalik upang pagandahin at paunlarin pa lalo ang Kapitolyo ng Pilipinas.
Isa rin sa pangako ni “Yorme” na ibalik ang dating sistema ng pamamalakad niya na totoong may pagmamahal sa mga senior citizens ng Maynila.
Hindi rin maikakaila na mula noong umugong ang mga bali-balita tungkol sa kanyang pagtakbo ay unti-unting naibabalik ang saya sa Maynila at ang pag-asa para sa mga Manileño.
Kaya naman, ang sigaw ng mga Manileño ay “Isko-Ali YAN ang NaIsko!”