Advertisers

Advertisers

Bebot timbog sa P6.1m shabu

0 8

Advertisers

Kulong 33-anyos na babae nang nakumpiskahan ito ng P6.1 milyong halaga ng shabu sa Talisay City, Cebu noong Biyernes nang gabi.

Ayon kay Lt. Col. Epream Paguyod, hepe ng Talisay City Police, isang linggo nilang isinailalim sa surveillance ang suspek na si Lea bago nila ito nabitag malapit sa kanyang tirahan sa Brgy. Barangay San Isidro, Talisay City.

Nagsimula aniya ang pagtutulak ni Lea at kinakasama nitong si Mando noong nakaraang taon.



Sinabi ni Paguyod na tinutugis pa nila si Mando na aniya ay siyang nagpapakalat ng isa hanggang dalawang kilo ng shabu sa tatlong barangay sa lungsod.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.