Advertisers

Advertisers

MISTER NABITIN SA ALAK NANAGA: MISIS PATAY, 2 ANAK GRABE

0 257

Advertisers

PATAY ang misis at kritikal ang 2 anak nang pagtatagain ng kanilang padre de pamilya na napraningg matapos mabitin sa alak sa Virac, Catanduanes.
Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang misis, habang patuloy na inoobserbahan sa ospital ang dalawang anak na kapwa menor de edad nang pagtatagain ng kanilang ama sa Barangay Francia, Virac.
Hindi muna pinangalanan ang mag-iina, gayundin ang mister.
Sa report ng Virac Police Station, 6:30 Linggo ng gabi nang maganap ang krimen sa loob ng bahay ng pamilya.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa dahil namimilit na humingi ng pera ang mister para pambili ng alak. Pero hindi ito binigyan ng pera ng misis dahil lasing na kaya napraning. Kumuha ito ng itak at pinagtataga ang misis at isinunod ang dalawang anak.
Sa pagresponde ng mga awtoridad, naabutan pa na hawak ng salarin ang itak at tinangka silang sugurin kaya nagpaputok ang mga pulis at napasuko ito.
Nahaharap sa kasong murder, frustrated parricide at assault upon agent in authority ang salarin.