Advertisers

Advertisers

‘VP DUTERTE ZERO CREDIBILITY’

0 30

Advertisers

HINDI na nasorpresa si dating Vice Presidential Spokesperson, Atty. Barry Gutierrez, kung hindi manlang nakakuha ng suporta ng publiko si Vice President Sara Duterte sa kanyang mga pag-atake sa Marcos administration.

Sinabi ni Gutierrez na si Duterte ay “zero credibility” bilang kritiko ng administration dahil narin sa walang kinang ang performance nito bilang public official.

Ginawa ni Gutierrez ang statement nang banggitin ang ulat na nagsasabing apat sa 10 netizens ay negatibo ang reaksyon sa mga atake ni VP Duterte sa gobyernong Marcos.



Ayon sa abogado, mahirap sa posisyon ni Duterte ang magpuna sa administrasyon dahil namasyal lang ito sa Germany habang binabayo ng bagyong Carina ang Pilipinas, at ang hindi niya maipaliwanag na P125 million confidential funds na ginastos niya sa loob lamang ng 11 araw nang bagong upo sa posisyon noong Disyembre 2022.

Nagrereklamo, aniya, si VP Duterte sa pag-alis sa kanyang 75 police escorts gayung may mahigit 350 personnel pa itong security force.

At tahimik ito sa tension ng bansa at China sa West Philippine Sea, at sa problema sa Philippine offshore gaming operators (POGO).

Sa kanyang post sa X (dating Twitter), ibinalik ni Gutierrez kay VP Duterte ang sinabi nito: “we deserve better.”

“And she’s not it,” diin ni Gutierrez.