Advertisers

Advertisers

2 Tulak timbog sa Malabon buy bust

0 12

Advertisers

Naaresto ang dalawang drug personalities nangmakuhanan ng mahigit P80,000 halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naaresto na sina alyas Pandi, 34, karpintero; at alyas Ben, 33, jeepney driver at kapwa residente ng lungsod.

Sa ulat, 4:30 ng madaling araw nang matimbog ang mga suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Phase 1, Gozon Compound, Brgy. Tonsuya.



Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 12 grams ng shabu na may Standard Drug Price value na P81,600.00 at buy bust money.

Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang SDEU hinggil sa ilegal drug activities ng mga suspek kaya ikinasa nila ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang drug suspects matapos bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)