Advertisers
KNOCK OUT ang 14-anyos na binatilyo nang ma-kipag-boxing sa kapwa menor de edad na Grade 7 sa Fraternal St., Quiapo, Maynila.
Kinilala ang biktima na si Karim, ‘di tunay na pangalan, habang nasa kustodiya naman ng Barbosa Police Station ang salarin na 13-anyos na itinago sa pangalang Jojo, nakatira sa 1121 Castillejos St., Quiapo.
Sa imbestigasyon ni Cpl. Rodolfo Acosta III ng Manila Police District-Homicide section, naganap ang insidente sa Fraternal St.
Nabatid na nag-sparing sa boxing ang dalawa nang masuntok ni Jojo si Karim sa mukha na agad bumagsak sa sementong kalsada at nawalan ng malay.
Napansin ito ni Basit Minandang kaya nilapitan ang binatilyo at isinugod sa pagamutan pero hindi na naisalba ng mga doktor sa pagamutan.
Dinala sa golden mosque ang bangkay para sa tradisyunal na paglilibing sa isang muslim. (Jocelyn Domenden)