Advertisers
NAGTAGO sa kisame ng isang motel ang isang misis nang mahuli ng kanyang asawang seaman na pumasok ito kasama ang kalaguyo sa isang motel sa Mandaue City, Cebu nitong Linggo.
Ayon sa Mandaue City Police, sinugod ng mister na seaman ang motel kungsaan nakita niyang pumapasok ang taxi na sinasakyan ng misis at ng kabit nito na isa ring seaman.
Ayon sa salaysay ng mister, magkasama pa sila ng kaniyang misis sa taxi nang papunta umano sa trabaho ang asawa.
Pero unang bumaba ang babae. Nang makaalis na ang taxi na sinakyan ng misis ay kaagad naman siyang sumakay sa ibang taxi at sinundan ang misis.
Sa halip na sa trabaho, nakitang dumiretso ang taxi ng babae papuntang pier at sinundo ang isang lalaki na pinasakay sa taxi at pumunta na sa motel.
Ayon sa international boxing judge na si Edward Ligas, siya ang tumawag ng pulis dahil humingi ng tulong sa kanya ang seaman na kaniyang kaibigan, habang hinihintay niyang maka-labas sa motel ang dalawa.
Nang dumating na ang mga pulis, nasa labas na ng kuwarto ang kalaguyong lalaki.Hindi nila nakita ang misis sa loob.
Ngunit maya-maya pa ay may kumalabog at nahulog ang isang parte ng kisame at ang sandals ng babae at gumewang din ang mga paa nito.
Pinapababa ng mga pulis ang babae ngunit nagmamatigas ito. Kaya inakyat siya ng isang pulis na babae gamit ang hagdanan.
Ayon sa seaman, nahuli na dati ng anak ang misis noong 2017 na may kalaguyo.
Desidido ang mister na ihabla ang misis at ang kalaguyo nito.