Advertisers

Advertisers

Pag-amyenda sa Passport Law, lusot na sa Kamara

0 294

Advertisers

Kapwa pinagtibay ng House Committees on Foreign Affairs at Appropriations ang consolidated substitute bill para sa panukalang bagong passport law.
Ayon kay Deputy Speaker at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, papalitan ng panukala ang kasalukuyang batas na Republic Act 9239 o Philippine Passport Act of 1996 lalo at tatlong batas na ang pinagtibay ng Kongreso na nakakaapekto sa “right to travel”.
Kabilang sa mga probisyon na babaguhin ay ang itinatatakdang minimum requirements para sa aplikasyon ng passport, grounds at proseso sa denial o revocation ng passport request, uri ng mga pasaporte, validity at pagiisyu ng travel documents.
Pahihintulutan din ang pagbibigay ng Emergency Travel Document, Travel Document Certificate at Convention Travel Document, depende sa sitwasyon at sirkumstansya upang makalipad pa rin ang indibidwal sakaling hindi pa nabibigyan o nawalan ang pasaporte.
Mabibigyan naman ng 50% discount ang mga senior citizens sa pagkuha ng pasaporte at iba pang travel documents.
Bibigyan din ng kapangyarihan sa Department of Foreign Affairs (DFA) na maningil ng hindi lalagpas sa 50 porsyento ng kasalukuyang kabayaran sa pagpoproseso ng pasaporte at ilalaan sa Passport Revolving Fund na gagamitin ng DFA upang mapabuti ang serbisyo ng kagawaran sa pagpoproseso ng pasaporte at ng mga consular na tanggapan nito.
Sa oras na maisabatas ay mahaharap sa tatlo hanggang 15 taong pagkakakulong at multang P15,000 hanggang P2 million ang mga lalabag dito habang kung ang offender ay isang public officer ay agad itong tatanggalin sa serbisyo at bawal na itong humawak ng anumang public office. (Henry Padilla)