Advertisers

Advertisers

SAKLA NINA ANDOT BOTETE AT GIGI, TIMBRADO SA HEPE NG LIMAY, BATAAN?

0 13

Advertisers

MARAPAT lang na imbestigahan ni PNP Chief Rommel Francisco Marbil, ang direktang paglapastangan at pambabastos sa Anti- Illegal Gambling Act o PD 1602 as amended by RA 9287 dahil mismong ang mga tagapagpatupad ng batas sa bayan ng Limay, Bataan ang bumabalewala dito.

Saan mang sulok sa nasabing bayan ay lantad ang presensya ng SAKLAAN na inaabot ng madaling araw ang operasyon na matatagpuan particular sa mismong Judy’s Park Limay na ilang hakbang lamang ang layo sa Limay Municipal Police Station nasa pakiwari ko ay walang gobyerno at kaayosan na umiiral sa bayan ni Mayor Nelson David.

Ang masaklap mismong ang mga matataas na opisyal ng Limay PNP ang nangunguna sa paglabag sa batas (PD 1602) dahil sa pagbibigay proteksyon sa gambling operation.



Lahat ng yan ay alam diumano ng mga pulis ng Limay lalo na ni Police Major Dennis Duran, Limay Chief of Police maging ng Bataan Provincial Director PCol Palmer Tria laban sa mga organisadong sindikato na nasa likod ng mga saklaan.
Kahit saang sulok sa nabanggit na bayan lantad umano ang presensiya ng iligal na sugal na sakla.

Ayon sa impormasyon na nakalap natin mga matataas diumano ang ranggo sa PNP ang idinadawit ng mga SAKLA operator na sina alyas Andot Botete at Gigi kaugnay sa ‘protection money’ bilang ‘payola’ at ‘good will’ para sa ilang tiwaling police official ng Limay, Bataan.



Dagdag pa ng source, nagiging kontrabida na diumano ang nabanggit na PNP officials sa ibinabang direktiba ni Marbil na bawal sa pulis ang tumanggap ng pabor o suhol mula sa iligal.

Saganang akin, kapag mahigpit na paninindigan ni Marbil ang paglilinis sa kanyang hanay batay sa polisiya ng Philippine National Police (PNP) na “Internal Cleansing”, sigurado ako na posibleng sumabit dito si Major Duran dahil sa di masugpong operasyon ng saklaan sa kanyang AoR.



Subaybayan natin!

***

Suhestiyon at reaksyon tumawag sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email sa balyador69@gmail.com