Advertisers

Advertisers

P81k shabu nasamsam sa Malabon

0 17

Advertisers

Timbog ang dalawang tulak ng ilegal na droga nang makumpiska ang mahigit P80K halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Malabon City nitong Miyerkules ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naaresto na sina alyas Jelan, 22; at alyas Pogi, 47, mga residente ng lungsod.

Sa report, naaresto ang mga suspek 2:00 ng madaling araw sa kanto ng General Luna at Rodriguez Sts., Brgy. Bayan-bayanan.



Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 12 grams ng shabu na may standard drug price value na P81,600.00 at buy bust money.

Kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang kakaharapin ng mga suspek.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">