Advertisers

Advertisers

Senior Citizen, 5 pa huli sa buy bust sa Bulacan

0 44

Advertisers

Arestado ang tatlong katao sa isinagawang buy bust operation ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit at PDEA sa Brgy. Sto. Cristo sa siyudad ng San Jose del Monte, Bulacan.

Sa report ni PMaj. Ferdinand S Marcos kay OIC PNP Provincial Director, PCol.Satur L Ediong kinilala ang mga suspek na sina Allan Blanco y Gantalao, 61; Ian Blanco y Malinlin, 26; at Marjhun Vienes y Aquilisca, 28-anyos, kapwa residente sa nabangit na lugar.

Sa report, nakuha sa mga suspek ang 5 plastic sachet ng shabu, na nagkakahalaga ng P102,000.00 at buy bust money.



Samantala sa hiwalay na operasyon nadakip naman ng mga operatiba ng Baliwag PNP ang tatlong katao sa buy bust operation sa Brgy. Pagala sa nabanggit na lungsod.

Kinilala ang mga nadakip na suspek sina Rodolfo Bazarte y Santos alyas Negro, 42, na kabilang sa Street Level, PNP-PDEA Unified Watchlist; Verna Felipe y Calara alyas Verna, 42, ng Sitio 7, Pulong Plazan, Candaba, Pampanga; at Bernard Ortega y Cardenas, 48, alyas Bernie, ng Purok 1, Brgy. Pulong Gubat, Guiguinto, Bulacan.



Nakumpiska mula sa kanila ang 5 plastic sachet ng shabu, nagkakalaga ng P102.000.00 at buy bust money.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA9165 ang mga suspek.(Thony D. Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">