Advertisers

Advertisers

PCDAI AT NCRPO PRESS ASSN. NAMAHAGI NG AYUDA SA BRGY. TUMANA, MARIKINA

0 140

Advertisers

ANG Philippine Chinese Dragon Association Inc. at NCRPO Press Association sa pakikipagtulungan ng Media House Express ay ‘nagsanib pwersa’ sa pamamahagi ng ayuda para sa mga residente ng Barangay Concepcion Uno, Tumana, Marikina City noong Miyerkules, August 21,2024.

Sa nasabing aktibidad na ginanap sa Angel Santos Covered Court, mahigit 200 indibidwal na nasa laylayan ng lipunan ang tumanggap ng ‘food packages’ mula kina PCDAI President Mike Chua at NCRPO Press Association President Lea Botones.

Nagpasalamat naman sina Kgwd Letlet Cruz Makiramdam at Kgwd Valfred De Guzman ng Brgy. Concepcion Uno sa tulong na ipinagkaloob ng dalawang grupo



Ang “Ayuda sa mga biktima ni Carina sa Marikina” ay isang proyekto upang makatulong sa mga naapektuhan ng Typhoon Carina noong July 24,2024 kung saan karamihan sa mga residente sa mababang lugar ng Brgy. Tumana sa Marikina City ay lumipat sa mas ligtas na lugar dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig-baha na idinulot nang walang humpay na pag-ulan dala ng habagat.

Samantala, pinangunahan nina Mrs. Mary Rose Marbil, National Adviser ng PNP Officer Ladies Club Foundation,Inc at Mrs. Mary Rose Nartatez, Adviser ng NCRPO OLC, ang gift-giving para sa 57 estudyante ng Bahay Bulilit Child Development Center at Distribution of Assistance para sa 27 NCRPO personnel na may chronic illness.



Ang nasabing aktibidad na may temang ‘Lab Virus’ ( Love and Blessings ) ay ginanap sa Hinirang Multi-Purpose Hall sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">