Advertisers

Advertisers

2024 FILIPINO CHINESE MEDIA SUMMIT, INILUNSAD NG PTFoMS

0 27

Advertisers

Inilunsad ng Presidential Task Force on Media Security o PTFoMS 2024 Filipino – Chinese Media Summit na layong tugunan ang paglaban sa sinophobia at ang paglaban sa rasismo, pang-aabuso at diskriminasyon sa hanay ng mga mamamahayag sa Pilipinas.

May temang “Ethical Reporting in Multicultural Societies” na may pinag-isang layunin ng mga Tsinoy at Pinoy na journalists para sa seguridad at proteksyon ng dalawang nasyon.

Katuwang ng PTFoMS sa paglulunsad ng programa ang Filipino Chinese Amity Club at ang Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Incorporated.



Sa kanyang talumpati, tiniyak ni Usec. Paul Gutierrez, executive director ng PTFoMS ang patuloy na pagsubaybay ng kanyang tanggapan sa mga imbestigasyon ng media killings.

Siniguro nito ang pagbigay ng hustisya sa mga biktima ng karahasan at pagkitil sa buhay ng mga media practitioner gaya nina Percival Lapid, Gwenn Salamida at Adam Moraleta.



Pinunto rin nito na obserbahan ang Journalists Code of Ethics na dapat maging batayan sa ating propesyon partikular ang freedom of opinion and expression

Sinabi naman ni Press Secretary Cheloy Garafil sa kanyang pindalang mensahe na ang malayang pagdaloy ng mga impormasyon kung saang ay lantad ang mga Filipino sa nakaiirita at hindi katanggap-tanggap na ideyolohiya ngunit nagbibigay – daan din sa mas malawak na kaalaman hinggil sa pagkakasama-sama at pagkakaiba-iba.



Sa panahon aniyang ito, sinuman ay maaaring gumawa ng negatibong anggulo mula sa iisang pangyayari at napakabilis na ipakalat sa buong mundo.

Bilang miyembro ng media, sinabi ni Garafil na may kapangyarihan ang mga mamamahayag na bumalangkas ng public opinion tungo sa kultura ng pagtanggap at bukas na kaisipang kung saan lahat ay maaaring makapagbahagi ng kanilang opinyon nang walang nasasaktan.

Umaasa aniya siya na ang mga speaker at mga dumadalo sa media summit ay maging paraan upang matuunan ng pansin at maresolba ang mga usapin hinggil sa hostile media. (Jocelyn Domenden )