Advertisers
NAGBABALA si Interior Secretary Jonvic Remulla na maaaring mauwi sa madu-gong engkuwentro ang sapi-litang pag-aresto kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Remulla, pinaniniwalaan nilang nagtatago si Dela Rosa sa Mindanao at pinoprotektahan ng isang makapangyarihang grupo na may mga armadong tauhan. Hindi niya pinangalanan ang grupo o naglahad ng ebidensiya para sa naturang paha-yag.
“He’s hidden in deep,” ani Remulla. Dagdag niya, na-kikipagnegosasyon ang mga awtoridad para sa mapayapang pagsuko ng senador dahil maaaring magkaroon ng maraming casualty kung magsasagawa ng forceful operation.
Sinabi pa ni Remulla na posibleng maging “worse than Marawi” ang bilang ng casualty sa isang kompronta-syon at iginiit na ayaw ng gob-yerno na magkaroon ng malawakang karahasan dahil sa pag-aresto sa isang tao.
Noong Mayo 11, inilabas sa publiko ng ICC ang warrant laban kay Dela Rosa na unang inisyu nang kumpidensiyal noong Nobyembre 2025. Si-nabi ng ICC na may “reasonable grounds to believe” na may pananagutan siya sa ‘crime against humanity of murder’ kaugnay ng anti-drug campaign. Ang mga alega-syon ay hindi pa napapatuna-yan sa paglilitis.
Ibinasura naman ng Supreme Court noong Mayo 20 ang kahilingan ni Dela Rosa para sa temporary restraining order laban sa kanyang posibleng pag-aresto. Nilinaw ng Korte na interim relief lamang ang pinagdesisyunan nito at hindi pa ang panguna-hing legal issues sa kanyang petisyon.
Inamin din ni Remulla na dapat ay naaresto si Dela Rosa nang lumitaw ito sa Senado noong Mayo, at sinabing hindi na siya aasa sa anumang informal o “gentlemen’s agreement” na maaaring makahadlang sa pagpapatupad ng warrant.(Boy Celario)