Advertisers

Advertisers

FFCCCII PRES. VOCTOR.LIM, NAGPAHAYAG NG PAGKABAHALA: “HINDI ITO ANG TAMANG PANAHON PARA I-SANCTION ANG CHINESE AMBASSADOR”

0 21

Advertisers

Inihayag ni Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) President Victor Lim na hindi ito ang tamang panahon para patawan ng sanctions o parusa si Chinese Ambassador Jing Quan, dahil maaari itong makasama sa kalakalan at ekonomiya ng Pilipinas.

Babala pa niya na kung paparusahan ng Pilipinas ang embahador, maaring gumanti ang China sa pamamagitan ng ng mga sanction laban sa bansa, na maglalagay sa ekonomiya ng Pilipinas sa “very bad shape” o masamang kalagayan.

Binigyang-diin ni Lim na ang China ay isang pangunahing ‘trade partner’ ng Pilipinas, kung saan umaasa ang bansa sa maraming imported na produkto at nag-a-export din naman ang Pilipinas sa China.



Sa halip na magpalala ng tensyon, hinimok niya ang pamahalaan na itaguyod ang kapayapaan sa pagitan ng Manila at Beijing.

Idinagdag niya na ang mga negosyanteng Tsino sa Pilipinas ay nababahala rin sa patuloy na pag-igting ng alitan sa pagitan ng dalawang bansa.



Naganap ang pahayag matapos ipatawag ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Ambassador Jing Quan dahil sa mga banta umano ng paggamit ng puwersa kaugnay sa tensyon sa West Philippine Sea, bagay na ikinaila ni Jing na nagsabing iniba umano ang ibig niyang sabihin. (JERRY S. TAN)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">