Advertisers
PINATAWAG na ng Philippine National Police (PNP) – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang 21 na indibidwal para magbigay-linaw sa nasabat na iligal na droga sa Laos na ibibiyahe sana sa Pilipinas.
Ayon kay Colonel Allen Rae Co, hepe ng Public Information Office (PIO) ng PNP, layon nito ay para malaman ang kanilang panig. Hindi aniya ito nangangahulugan na sangkot talaga ang mga ito sa krimen.
Ang nasabing pag-subpoena ay bahagi ng imbestigasyon ng pulisya sa nasabat na 521 kilogram ng shabu sa Laos noong Oktubre 1, 2026.