Advertisers

Advertisers

Sub-leader, 3 pang DI todas sa engkuentro

0 29

Advertisers

TODAS ang apat na miyembro ng Dawlah Islamiya (DI), kabilang ang isang sub-leader, sa engkuwentro sa mga pulis at sundalo sa Sultan Mastura, Maguindanao del Norte, ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Sinabi ni Lt. Colonel Eugene Balugo, officer-in-charge ng CIDG-BARMM, nagsisilbi ng arrest warrants ang joint police at military team laban kay Yusa Ganoy, umano’y sub-leader ng DI-Hassan Group, sa Barangay Tapayan noong Biyernes, Oktubre 16.
Ayon sa CIDG, nagpaputok si Ganoy at tatlo niyang kasama sa mga papalapit na awtoridad, dahilan upang magkaroon ng engkuwentro. Nasawi ang apat sa insidente.
Sinabi rin ng CIDG na wanted si Ganoy sa ilang kaso kabilang ang destructive arson, direct assault, frustrated murder, double murder at attempted murder, bukod sa kasong paglabag sa Anti-Terrorism Act of 2020. Ang mga warrant ay inilabas ng mga korte sa Cotabato City, Shariff Aguak at Iligan City.
Sa clearing operation, sinabi ng mga awtoridad na narekober ang isang assault rifle, tatlong .45-caliber pistol at isang improvised explosive device (IED).
Tinulungan naman ng lokal na pulisya ang pagkuha at pagpapauwi sa mga labi ng apat sa kani-kanilang pamilya.