Advertisers

Advertisers

Nakakulong na, suspendido pa si Sen. Marcoleta

0 24

Advertisers

GRABE na yatang kamalasan ang sinasapit nitong si Senador Rodante Marcoleta, ang astig na kongresista noong pangulo si Digong Duterte.

Sinuspinde ng Sandiganbayan si Marcoleta for 90 days over P75-million plunder case, na siya rin ang may gawa para makasuhan siya.

Iniutos ng Sandiganbayan Third Division ang 90-day preventive suspension kay Marcoleta over a pending plunder case na kinasasangkutan ng P75 million umano’y ill-gotten wealth kaugnay ng campaign donations na hindi niya idineklara sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).



Sa isang resolution na ipinahayag October 19, sinabi ng anti-graft court na ang suspension ay mandatory matapos mapatunayang si Marcoleta ay nagkasala ng kriminal. Ang order ay epektibo pagkatanggap nito at kaagad ding mawawala ang bisa pagkaraan ng 90 days (tatlong buwan).

Ang kaso ay nag-ugat sa umano’y donasyon mula kay dating Congressman Mike Defensor at mga negosyanteng sina Joseph Espiritu at Aristotle Viray.



Nahaharap din si Marcoleta sa hiwalay na charges na kinasasangkutan ng umano’y pagtanggap niya ng “regalo”, na paglabag sa Presidential Decree No. 46.

Bago ang suspension ni Marcoleta, naunang binabaan ng 90-day suspension order ng Sandiganbayan si Sen. Jinggoy Estrada sa kaso ring Plunder kaugnay ng pagkuha ng multi-million “kickback” sa “ghost” flood control propects sa Bulacan.



Ibig sabihin nito, mga pare’t mare, sa Enero 2027 pa makababalik bilang senador sina Marcoleta at Estrada. Talagang hindi na sila makakalahok sa botohan sa araw ng paghukom laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio.

Malamang na hindi rin makalahok sa botohan si Sen. Loren Legarda na ilang buwan nang “nagpapagamot” sa ibang bansa.

Si Legarda ay nahaharap din sa Plunder kaugnay ng kontrobersiyal na Solar project ng kanyang anak na si Leandro Leviste ng Batangas.

Kasama ni Legarda ang anak sa ibang bansa. May arrest warrant na si Leviste.

Update sa kaso ni Legarda:

“Malapit-lapit na ’yan!”, sabi ni Ombudsman Boying Remulla.

Ito ang makahulugang pahayag ni Remulla nang tanungin tungkol sa kasong plunder laban kay Legarda at sa kanyang anak.

Nang usisain kung gaano na ito kalapit, sagot ni Remulla, “Well, basta hindi ako magbibigay ng time.”

“Malapit-lapit na, ’yan lang ang sasabihin ko sa inyo,” seryosong pahayag ng Ombudsman.

Habang nasa France ang mag-ina, nauna nang ilang ulit sinabi ni Remulla na tila ayaw na nilang umuwi sa Pilipinas para harapin ang mga alegasyon.

“Parang ayaw niya na umuwi. Tinatakasan nila. Ayaw nilang humarap sa charges,” ayon sa naunang pahayag niya.

Kung tuluyang maisampa ang plunder case, posibleng humarap ang mag-ina sa mabigat na laban sa korte. Ang plunder ay isang non-bailable offense kapag malakas ang ebidensiya ng pagkakasala, ngunit hindi awtomatikong nangangahulugang may warrant of arrest agad sa mismong araw ng paghahain.

Subaybayan!