Advertisers

Advertisers

4 pulis sibak sa Chef Tatung robbery case

0 30

Advertisers

PANSAMANTALANG inalis sa puwesto ang apat na pulis sa Rizal habang iniim-bestigahan ang umano’y kapabayaan sa paghawak ng pagnanakaw sa bahay ng celebrity chef na si Myke Sarthou alyas “Chef Tatung”.
Una nang iniulat na nangyari ang insidente ng Setyembre 25, na nagdulot ng tinata-yang P4 milyong halaga ng pinsala at pagkawala ng ari-arian ni Sarthou.
Ayon sa mga awtoridad, nagturuan ng responsibi-lidad ang mga pulis ng Antipolo City at Baras dahil nasa hangganan ng dalawang lugar ang bahay ng chef.
Kasama rin sa iimbestigahan ang mga hepe ng pulisya ng dalawang lugar at ang Rizal provincial director.
Samantala, naaresto na ang mga suspek Oktubre 18 sa Antipolo City, at nabawi ang ilang gamit na pinaghihinalaang mula sa bahay ni Chef Tatung.
Patuloy ang imbestiga-syon sa mga pagkukulang ng pulisya.