Advertisers

Advertisers

CAMOTENG ROBIN, ‘MAKAPILI’, JONWEAK, ‘URONG ANG YAGBOLS’

0 18

Advertisers

ALAWANG nakakasukang balita ang tumambad sa mata ng maraming natizen sa dalawang nakalipas na araw. Una, ang nakabaliktad na sikmura na larawan ni Camoteng Robin na nakipagkamayan at nakipagmabutihang loob sa sugo ng China sa bansa. Ikalawa, ang balita na hindi huhulihin ni JonWeak Remulla si Bato dela Rosa dahil takot siya na magkaroon ng “digmaang sibil” kapag pinilit niya na hulihin si Bato.

Balita ng kataksilan at katraydoran ang larawan ni Camote kasama ang sugo na Peking na hindi sinadya namin hindi tandaan ang pangalan. Karuwagan at kahinaan ng loob ang balita kay JonWeak at Tating Nartates. Parehong isinuko ang pag-ibig sa bayan sa ngayon ng kagaguhan, kamangmangan, at kahinaan ng loob.

Wala kaming nakitang inspirasyon sa dalawang magkahiwalay na balita. Bagkus, kahinaan ng loob ang bumalot sa damdamin ng dalawang maituturing na hindi kumakatawan sa Filipino. Makapili si Camoteng Robin. Makapili ang itinawag sa mga traydor na Pinoy noong sakupin tayo ng mga Japon. Urong ang yagbols ni JonWeak. Hindi siya Caviteno, sa maikli.



Kabaligtaran ang paninindigan ni Camote sa maraming mambabatas. Si Risa Hontivero ang nanguna sa mga senador na humingi na patalsikin ang sugo ng China dahil sa paghamak ng taga-Peking sa ating bansa at damdamin. Huwag tayong makipagmabutihan sa China kung hahamakin lang tayo, ito ang giit ni Risa.

Kaaway ang China. Ito ang bansa na sumakop sa ilang bahagi ng ating Exclusive Economic Zone (EEZ) sa West Philippine Sea. Inaaari na kanila ang malaking bahagi ng South China Sea at abot ng kanilang pang-aangkin sa ating EEZ sa WPS.



Kinukuha ang yaman dagat ng bahaging iyon ng WPS na marapat mapunta sa Filipinas batay sa letra itinatadhana ng international law at United Nations Conference on the Law of the Sea (UNCLOS). Nanalo tayo sa desisyon ng UNCLOS noong 2016 sa sakdal na isinampa natin laban sa China sa kanilang pananakop sa South China Sea.

Labis na mangmang, bobo, at saksakan ng tanga si Camoteng Robin. Hindi niya nauuwaan ang desisyon ng UNCLOS laban sa China. Hindi niya binasa. Hindi niya alam. Wala siyang disiplina sa sarili upang matutuhan ang paggawa ng batas. Sinusunod ng maraming bansa ang desisyon ng UNCLOS. Hindi namin alam kung alam ito ni Camote.



Tuta lang siya ng mga Duterte at ibinatay lang niya ang pakikipagmabutihan sa sugo ng China sa turo ng pangkat ng mga mandarambong ng Davao City. Alam kasi nila na pabagsak na si Misfit Sara at maaalis ito sa poder bago matapos ang taon. Ginagamit nila ang China card sapagkat wala silang solusyon sa pagbagsak ng sindikatong Inferior Davao.

Batid namin na maraming Pinoy ang hindi natutuwa kay Camote. Tinawag pa ng mangmang, bobo, at tanga na “maginoo” ang sugo ng China sa kanyang pagharap sa kanya ng sugo na labis ang kabastusan at paghamak sa mga Filipino. Hindi biro ang sinambit ng sugo na may malaking hawig sa pinaghalong tsonggo at kabayo.

Samantala, mistulang umurong ang yagbols ni JonWeak sa mungkahing iginiit ng estado ang kanyang poder at hulihin si Bato na nagtatago sa isng bahagi ng Mindanao. Ayaw harapin ni Bago ang kanyang pananagutan sa pagpatay sa maraming Pinoy sa madugo pero bigong giyera kontra droga ni Gongdi.

Kasalukuyang humihimas ng rehas si Gongdi sa kanyang piitan sa himpilan ng ICC sa Olanda. Haharap siya sa paglilitis ng ICC umpisa sa ika-30 ng Nobyembre. Takot si Bato sa piitan dahil alam niya na mabubulok siya sa bilangguan at dito nagtatapos ang kanyang political career.

Hindi namin alam kung batid ni JonWeak na hindi dapat nakikipagnegosasyon ang DILG sa isang suspect. May sapat na bilang na pulis ang PNP upang hulihin si Bato. Hindi totoo ang kinatatakutan ni JonWeak na maaaring umabot sa `10,000 ang maaaring mamamatay kung ipipilit na hulihin si Bato.

Kahit noong kasagsagan ng giyera sa Mindanao noong dekada 1970 at kahit noong giyera sa Marawi City, hindi ganito ang bilang na mga kasali sa gulo doon. Mahina lang ang loob ni JonWeak at Tating. Pareho silang walang yagbols sa wika sa lansangan.

Ano ang dapat gawin sa Makapili na si Camoteng Robin at duwag na si JonWeak. Patuloy natin silang kondenahin. Huwag bigyan kahit kapirasong pagkilala. Hindi sila dapat kilalanin. Tratuhin silang mga mistulang aso.Obligahin na magbitiw si JonWeak bilang kalihim ng DILG, o kaya puwersahin si BBM na sipain siya at palitan

***

MGA PILING SALITA: “Sa ingay ng mga troll na pumapabor sa China. This only prove one thing: It is time to amend the reason law. Arestuhin na ang mga Makapili.” – Read Admiral Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard sa isyu ng West Philippine Sea