Advertisers
NASAWI ang mag-asawang senior citizens nang sumiklab ang sunog sa Champaca 2, Barangay Fortune, Marikina City nitong Miyerkoles ng madaling-araw.
Sa ulat, itinaas sa ikalawang alarma ang sunog 2:45 ng umaga ng Marikina Fire department.
Ayon sa mga kagawad ng pamatay sunog, na-trap ang mag-asawang seniors sa loob ng banyo na magkayap. Ang babae nasa 84 anyos at ang lalaki nasa 80.
Nasa 17 bahay ang nasunog, habang 23 pamilya o hindi bababa sa 90 indibidwal ang naapaektuhan ng naturang sunog.
Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng sunog. (Edwin Moreno)