Advertisers

Advertisers

GOLDEN BOY CALOY YULO, INSTANT PINOY SENSATION

0 33

Advertisers

HINDI tinatantanan ng publiko ang bawat isyung nauugnay kay instant Pinoy sensation Golden Boy CARLOS EDRIEL ‘ CALOY’ YULO na nagtala ng twin gold record sa kasaysayan ng Philippine Sports, first ever in one century ng paglahok natin sa PARIS OLYMPICS.

Champion si CALOY sa Gymnastics Floor and Vault competitions, respectively sa 2024 PARIS OLYMPICS, tugon sa uhaw ng bansa sa panalo, mula sa era ni First Philippine Olympian DAVID NEPOMUCENO way back 1924. Not once but twice, nagbulsa ng ginto ang 4’11″, 24 y/o gymnast in just 24 hours.

Nagsimula si CALOY sa hilig na pag tumbling sa isang children’s park sa Malate, Maynila, napansin ng isang coach na nagsuggest sa lolo niyang si RODRIGO FRISCO ng ideyang isali sa Gymnastics Sports. Since birth, alaga at sinusundan ng lolo si CALOY at sa edad na 7 taon, dinala sya at dalawang younger siblings sa RIZAL MEMORIAL SPORTS COMPLEX, pumasa agad sa tryout.



Naging regular ang training at maraming panalo ang nabitbit hanggang sa magtagumpay si CALOY sa double gold medals at dagdag-karangalang itaas ang Philippine Flag sa 2024 PARIS OLYMPICS closing ceremony sa saliw ng Philippine National Anthem, LUPANG HINIRANG. What a great pride.

KONTROBERSIYA, BIGLANG-PASOK.



BUMULAGA sa social media ang kontrobersiya mula mismo sa ina ni CALOY na si ANGELICA POQUIZ YULO, nagpost ng family feud na batik sa anak. Per reports matagal nang inabandona at itinakwil ng ina, kinalaban at kinutya sa mga unang posts at tinulugan sa laban si CALOY ngunit sorpresang balita sa paggising na wagi ito ng gold.

Ang expose sa highlight ng double gold honor na sinundan pa ng surprising presscon kasama si Atty. RAYMOND FORTUN tampok ang kinokondenang dramatic tears ng nanay ay humakot ng viewers sa socmed, hati ang komento at emosyon ng followers.



Bakit po may presscon ng di kilalang tao at may abogado de campanilla? Well yes, prominent lawyer po yun. Not yet confirmed, pero may higing na balak kasuhan ng isang Sports group ang nanay sa pagbatik sa dignity ng Sports hero at pagsira sa momentum ng historic win.

At the height ng pagbati at parangal, kasabay ang isyu ng alitan, nilinaw ni CALOY na ikinagulat lang niya ang paggastos ng ina sa incentives at buong allowance niya without consent. pero napatawad na ang nanay, matagal na at kinalimutan na ang pera.Lumala ang isyu na 6 digits ang perang involved sa depensa ng ina.’ Ibinili ng properties para sa future’. Tanong ng netizens, bakit sa name ng nanay, hindi kay Caloy, bakit ginalaw ang perang di kanya, walang abiso? Nagforward ng statement of account ang banko kay CALOY sa withdrawals ng nanay at ubos? Reportedly, abot sa 6M to 11M ang pera.

Dagdag isyu and pag-ayaw at paglait ng nanay sa gf ni CALOY na si CHLOE ANGELEIGH SAN JOSE, Australian tiktok fashion influencer na sumuporta Kay Caloy even financially nang itakwil ng ina. isyung umiikot sa socmed at item na rin sa ibang mga bansa. For us, let’ s focus sa triumph ni GOLDEN BOY CALOY para sa Pinas, but then, the more others keep bashing the Sports hero, mas sumisikat siya , our world class Pinoy gymnast, nasa 100M na ang incentives plus cars, exclusive condo, house and lot and still counting CONGRATS CALOY. GOD BLESS YOU MORE…