Advertisers

Advertisers

Van nabagsakan ng dump truck sa C-5: 15 sugatan

0 30

Advertisers

SUGATAN ang 15 katao nang tumagilid ang isang dump truck at mabagsakan ang sinasakyan nilang service van sa C5 Road, Barangay Bagumbayan, Libis sa Quezon City nitong Miyerkules ng umaga.

Ayon sa driver ng dump truck, galing siya ng Rodriguez, Rizal at magbabagsak ng buhangin sa Sta. Rosa, Laguna. May isang rider aniya ang biglang lumiko pakaliwa kaya napakabig siya at nawalan ng balanse ang trak. Dahil dito, tumagilid ang trak at nabagsakan ang van.

“Sakto lang naman ‘yung takbo ko. Ito ngayon si motor hindi ko alam kung padiretso siya o liliko siya rito ngayon binusinahan ko siya,” sabi ng driver.

Iniiwasan ko si motor kasi nga maabot siya ng truck [namin] tapos itong L300 sakto padating siya,” dagdag ng driver.

Mga empleyado ng isang construction company ang sakay ng van na nadamay sa insidente na galing ng Ortigas at papunta ng Marikina para ihatid pauwi ang mga empleyado.

Nayupi ang malaking bahagi ng van kaya kinailangang gumamit ng extricating tools gaya ng spreader at cutter para dahan-dahang maalis sa van ang mga pasahero nito.

“Medyo nahirapan tayo sa harap kasi medyo matindi ang tama niya, matindi pagkaipit niya sa harapan ng sasakyan sa van. Sa likod naman halos naman may fracture yung iba, marami ang may fracture tatlo ata na naipit so nahirapan lang tayo para maalalayan natin sila maigi para hindi na masaktan pa,” ayon kay Senior Fire Officer 3 Bill Astudillo, team leader ng Bureau of Fire Protection-QC Special Rescue Unit.

Isinugod sa ospital ang lahat ng sakay ng van, na karamihan ay nagtamo ng minor fractures sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Kinasuhan na ang driver ng truck.