Advertisers

Advertisers

Prinsipal nakaligtas sa ambush

0 27

Advertisers

MASUWERTENG hindi napuruhan ang isang prinsipal nang barilin habang papasok ng paaralan sa Kadayangan, BARMM, Martes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Aurora Bayog Lida, 51 anyos, OIC-principal ng Kapinpilan National High School, ng Midsayap, Cotabato na nagtamo ng tama ng bala sa katawan.

Nakaligtas naman ang kasama nitong titser na si Maria Corazon P. Tagacay, 38, ng nasabing lugar.

Sa report, 7:00 ng umaga naganap ang pamamaril sa Brgy. Kapinpilan, Kadayangan.

Sakay ang mga biktima sa isang motorbike na minamaneho ni Tagacay papasok ng paaralan nang pagsapit sa nasabing barangay ay pinaputukan sila ng ‘di nakilalang salarin. Tinamaan si Lida sa katawan.

Nagtamo ng mga galos sa katawan si Tagacay nang bumagsak ang minamanehong motorsiklo.
Dinala ang dalawang guro sa ospital.

Isang bala ng caliber .45 ang narekober ng mga otoridad sa pinagyarihan ng insidente.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa krimen. (Mark Obleada)