Advertisers
CAINTA, RIZAL — Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang Cainta PNP sa natagpuang bangkay ng 68- anyos na retiradong pastor na si @Eduardo.
Natagpuan ang bangkay ng biktima sa gilid ng kanyang bahay sa Kamagong Street, Barangay San Juan noong umaga ng Oktubre 21.
May sugat ang biktimang si alyas “Eduardo”-68 anyos sa kanyang mukha ngunit wala umanong nakitang bakas ng pakikipaglaban at buo pa ang kanyang mga gamit.
Humingi na din ng tulong ang Cainta Municipal Police Station sa SOCO para sa masusing pagsusuri at awtopsiya para malaman ang tunay na sanhi ng pagkamatay. (Edwin Moreno)