Advertisers
Nasawi ang 12-anyos na batang lalaki nang aksidenteng mabaril nang kalaro nitong 15 anyos na bata sa Poblacion 1, Cotabato City nitong Huwebes ng gabi.
Tinukoy ng Cotabato City Police Office ang nasawing bata na si alyas Salik, mag-aaral at residente ng nasabing lugar, habang ang salarin kinilalang si alyas ‘Roy’, 15-anyos, isa ring mag-aaral.
Sa inisyal na imbestigasyon, nag-uusap ang dalawa sa tabing ilog malapit sa kanilang mga bahay nang paglaruan umano ng salarin ang baril na pag-aari ng kaniyang magulang.
Tinamaan si Salahuddin sa kaniyang tagiliran na kaniyang ikinamatay.
Nakikipag-ugnayan na rin ngayon ang mga awtoridad sa City Social Welfare and Development para mahanap ang salarin na sinasabing tumakas matapos ang insidente.