Advertisers
Arestado ang dalawang kawani ng gobyerno na nagsa-sideline bilang tulak ng shabu sa Koronadal City at General Santos City.
Kinilala ni Koronadal City Police Office Chief Lt. Col. Hoover Antonio ang suspek na si Ongs Pangulima, alias ‘Datu’, 45-anyos at residente ng lungsod.
Nasabat si Pangulima sa ikinasang buy bust operation nitong Huwebes sa bahagi ng Barangay Carpenter Hill kung saan narekober sa kaniya ang dalawang sachets ng suspected tobats.
Nakumpiska rin sa suspek ang motorsiklo na sinasabing ginagamit nito sa kaniyang illegal drug transaction. Nahaharap na ngayon sa kaukulang kaso si Pangulima.
Samantala, naaresto rin ang isan pang employado ng General Santos City local government unit at kasabwat sa isang entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency 12 noong Miyerkules.
Sa ulat nitong Huwebes ni Aileen Lovitos, director ng PDEA-12, agad na inaresto ng kanilang mga operatiba sina Fiel Joseph Otacan 30-anyos, meat inspector ng Office of the City Veterinarian ng General Santos City LGU; at Maria Luz Oraiz, 43-anyos, nang magbenta sa kanila ng P14,000 na halaga ng shabu sa isang lugar sa Barangay Sinawal, General Santos City.
Naaresto sina Otacan at Orais sa isang entrapment operation na magkatuwang na nailatag ng PDEA-12 at Police Regional Office-12 na pinamumunuan ni Brig. Gen. James Gulmatico.