Advertisers

Advertisers

2 patay, 1 sugatan sa Cotabato ambush

0 5

Advertisers

NASAWI ang dalawa katao at isa ang sugatan sa ligaw na bala sa isang ambush sa mataong lugar sa Cotabato City, Huwebes ng hapon, August 22, 2024.

Sa ulat ng Cotabato City Police Office kay Brigadier General Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, agad namatay ang target ng naturang ambush, si Jonas Tampla, sanhi ng anim na tama ng bala sa ulo at katawan.

Sa report, sakay ng motorsiklo si Tampla nang tambangan ng mga armadong salarin na nakaabang sa gilid ng isang bahagi ng Manday Street sa Tanghal Subdivision, Barangay Mother Bagua.



Isang inosenteng lalaki na malapit sa kung saan naganap ang ambush, na si Raynon Esgan, ang tinamaan ng bala at pumanaw sa Cotabato Regional Medical Center.

May tama din ng bala, ngunit nasa ligtas ng kalagayan, ang isang menor-de-edad na babae, sanhi ng walang habas na pamamaril ng mga tumambang kay Tampla.

Mabilis na nakatakas ang mga salarin gamit ang mga motorsiklo.