Advertisers
INIREKOMENDA ng United States’ Centers for Disease Control and Prevention (US-CDC) na bawasan ang quarantine period na sa kasalukuyan ay 15 araw.
Ayon sa US-CDC, nais nilang gawing pito hanggang 10 araw na lamang ang quarantine period.
Base tweet ng ilang US mainstream media outlets, posible raw na i-revise o baguhin na nilan ang guidelines sa covid isolation period.
Matatandaang dito sa Pilipinas ay 14 days pa rin ang quarantine period at ang ilang kumpanya ay pinagka-quarantine rin ng karagdagang 14 araw ang kanilang mga empleyado kapag nagbakasyon ang mga ito sa probinsiya.
Wala pang reaksiyon ang Department of Health (DoH) maging ang Inter Agency Task Force (IATF) kaugnay ng naturang panukala.