Advertisers

Advertisers

Face-to-face classes naka-depende sa desisyon ni Pres. Duterte – Sec. Duque

0 289

Advertisers

TULOY pa rin ang hindi pagkakaroon ng face-to-face clasess dahil sa banta ng Covid-19.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III sa virtual media forum, patuloy pa rin ang polisiya ng DOH hinggil sa “no to face to face classes” sa buong bansa.
Pero depende pa rin aniya kay Pangulong Rodrigo Duterte kung papahintulutan na ang face to face classes partikular sa mga lugar na nakapagtala ng “zero Covid case” o kaya’y may mababang kaso.
Sakaling mangyari ito, ang guidelines ay gagawin “jointly” ng DOH at Department of Education o DepEd para masiguro na kung magkaroon man ng limited na face to face classes ay siguraduhin na sa lugar na low to minimal risk ang Covid cases.
Siguruhin din aniya na sapat ang kanilang health system capacity, hospital care critical capacity at ang public health preparedness ay dapat masiguro na sila ay talagang handa djhil kung saka-sakali umanong magkroon ng kaso ay madaling mapangasiwaan ito.
Sa ngayon, sinabi ni Duque na ang Batanes lamang ang lugar sa ating bansa na nakapagtala ng zero COVID-19 cases sa nakalipas na 2 hanggang 4 na linggo. (Jocelyn Domenden)