Advertisers

Advertisers

KimPau fans waiting pa rin sa pagpapalabas ng movie ng mga idolo; Kyline hiling na mag-move-on na lahat sa nakalipas na relasyon kay Mavy

0 32

Advertisers

Ni Rommel Placente

KINAKALAMPAG na ang Star Cinema ng iba’t ibang grupo ng mga tagahanga nina Kim Chiu at Paulo Avelino, para simulan na ang shooting ng pelikulang My Love Will Make You Disappear, na launching movie ng loveteam nina Kim at Paulo.

May napabalita kasi noon na sa October 2 na ang showing ng nasabing pelikula, pero hindi pa pala nasisimulan ang shooting nito. Kaya malabong maipalabas ito sa nasabing date. Hindi naman kasi pwedeng madaliin ang shooting nito, at baka mag-suffer ang quality ng pelikula, ‘di ba?



Nang i-chat namin ang handler ni Kim sa Star Magic na si Edith Farinas, sinabi niya na hindi na nga tuloy na maipapalabas sa October 2 ang MLWMYD.

Ang mga KimPau, na tawag sa mga tagahanga nina Paulo at Kim, lalo na ‘yung grupo na nasa ibang bansa, ay talagang excited nang mapanood sa wide sceen sina Kim at Paulo. At handang-handa na rin sila na magpa-block screening ng peikula ng kanilang mga idolo.

Ang KimPau Team Abroad Official ay 100 ang ipapa-block screening para sa MLWMYD. Talagang handang-handa na sila na suportahan ang movie nina Kim at Paulo. O ‘di ba, bongga ang KimPau Team Abroad Official?

Nakikini-kinita na namin na kapag naipalabas na ang MLWMYD, siguradong magiging blockbuster ito. Wanna bet?

Personal: Hello sa dalawa kong friends na supporters din nina Kim at Paulo na sina tita Net Ber from New Zealand, at Rosalie Siason from France.



***

SA guesting ni Kyline Alcantara sa Fast Talk With Boy Abunda ay nagbigay na siya ng pahayag tungkol sa break-up nila ni Mavy Legaspi. At sinabi niya na dapat ay mag-move on na ang lahat.

Sabi ni Kyline,”In every relationship naman po that I have or had, whether it’s professionally or friendly man or romantic, I always try to learn something from it, both the good and the bad experiences.

“Right now, I think we should all move on from that experience, and I will treasure that moment po kasi siyempre it made me who I am today with all that happened.”

Grateful naman daw si Kyline sa naging experience niya sa relasyon nila ni Mavy.

Sa ngayon, nali-link si Kyline sa basketbolistang si Kobe Paras.

Kamakailan lang, nag-viral ang pagkandong ni Kyline kay Kobe habang kumakanta ang rumored boyfriend at hinalikan siya nito sa balikat.

Maraming nagsasabi na patunay lang ‘yun na may relasyon na ang dalawa, at hindi lang sila basta magkaibigan, na gaya ng sinabi noon ni Kobe, nang matanong siya tungkol sa relasyon nila ni Kyline.

Pero sa kabila nito, ayon kay Kyline ay hindi niya kailangan magpaliwanag sa kumalat na video.

“I don’t need to explain myself din naman po to other people. Whatever they see, that’s what they’re gonna get,” aniya pa.