Advertisers
ABOT kamay na ni swimmer Ernie Gawilan ang podium finish matapos sumulong sa final round ng men’s 400m Freestyle-S7 event ng 2024 Paris Paralympic Games sa Paris La Defense Arena Lunes, Setyembre 2.
Nangibabaw si Gawilan sa Heat 2 ng kanyang event matapos orasan ng 5:00.13 para masiguro ang kanyang spot sa finals.
Siya ang pangatlong pinakamabilis na swimmer patungo sa medal round sa likuran ni Evan Austin ng USA (4:56.54) at Neutral Paralympiam Aleksei Ganiuk (4:56.68).
Italy’s Federico Bicelli (5:06.51) at China’s Xianquan Huang lumapag sa fourth at fifth places, ayon sa pagkakasunod.
Ukraine’s Andrii Trusov (5:16.03) Yurri Shenhur (5:19.46) at Argentina’s Inaki Basiloff (5:17.33) pasok rin sa medal round.
Ang final round ay nakatakda alas 11 ng hapon sa parehong venue.
Sa kanyang unang pagsubok sa men’s 200m IM-SM7, Gawilan ay nagtapos na pinakahuli sa heats kung saan siya nagrehistro ng 2 minutes at 56.39 seconds.