Advertisers

Advertisers

NAIA ‘BANTAY SARADO’ SA PAGDATING NI DISMISSED BAMBAN,TARLAC MAYOR ALICE GUO

0 31

Advertisers

ANUMANG araw simula ngayon ay ‘bantay-sarado’ sa mga awtoridad ang pagdating ni dismissed Bamban,Tarlac Mayor Alice Guo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraan ang mahigit dalawang buwan na pagtatago at palipat-lipat ng lugar hanggang maaresto na ng Indonesian authorities kaninang madaling araw, Miyerkules, Setyembre 04,2024

Ito ang kinumpirma ng Presidential Anti-Organized Crime Commission at National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay NBI Directior Jaime ‘Jimmy’ Santiago, iniulat sa Pilipinas ni Senior Superintendent Audie Latuheru, ng Jakarta police, ang pag-aresto kay Guo sa Tangerang City, Jakarta alas-1:30 ng madaling araw, September 4, 2024 (oras sa kanila).



“I would like to inform you that, according to Senior Superintendent Audie Latuheru from the police, our subject, Alice Guo (also known as Guo Hua Ping), was arrested in Tangerang City, Jakarta, Indonesia, at 01:30 on September 4, 2024,” saad sa report ni Latuheru.

Agad nang ipinaalam sa Philippne immigration counterpart ang pag-aresto kay Guo na ngayon ay nasa kustodya ng Indonesian Police at Jatanras Mabes Polri.

Nagtungo naman ang ilang kinatawan ng Philippine Immigration sa Jakarta upang asikasuhin ang pagproseso kay Guo para mapabilis ang pagbalik nito sa Pilipinas.

Sa kabila nito, nakahanda na ang Bureau of Immigration sa NAIA, gayundin ang pagtatalaga ng pwersa ng NBI, PNP-AvseGroup, MIAA-Airport Police Department upang bigyan ng seguridad ang daraanan ni Guo hanggang makarating sa BI Main office sa Maynila. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">