Advertisers
ARESTADO ang isa pulis nang bugbugin nito ang kaniyang girlfriend sa bahay sa Barangay Rosario, Gumaca, Quezon, Lunes ng gabi
Kinilala ang pulis na si Michael Edward Rodrigo, 37 anyos, nakatalaga sa Buenavista Municipal Station.
Ayon sa report, nasa bahay nito ang kaniyang promodizer na girlfriend na si Mary Joy Vinas, taga-Barangay Progreso, Gumaca 10:30 ng gabi nang magkaroon ang mga ito ng pagtatalo.
Nakainom umano ang pulis, at sa kasagsagan ng kanilang pagsasagutan sinuntok nito sa ulo ang babae.
Nagtamo ang babae ng mga pasa at bukol sa ulo at nagsumbong ito sa pulis.
Inaresto agad ng mga pulis ang umbagerong kabaro.
Nahaharap si Rodrigo sa kasong paglabag sa R.A 9262, Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.