Advertisers

Advertisers

Serial rapist ng 20 masahista timbog

0 330

Advertisers

ARESTADO ang isang lalaki sa panggagahasa at pagna-nakaw sa mga masahista nitong Huwebes sa Quezon City.
Kinilala ang naaresto na isang alias “Jason Mallari”, 27.
Sa ulat, nagme-message ang lalaki sa social media ng massage parlors at massage therapists at papapuntahin sa apartelle ang mga biktima kungsaan niya ito tututukan ng patalim at gagahasain. Tapos nanakawan din niya ng gamit ang mga biktima.
Ayon sa report, isa sa mga babaeng nabiktima ni Mallari ang nagreklamo sa pulisya.
Ayon sa babae, inabuso siya ni Mallari nitong nakaraang Lunes (November 30, 2020). Agad namang nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad at naaresto ang suspek nanaaktuhan pang mayroon binibiktimang babae sa kanyang apartelle.
Mahaharap sa kasong robbery with rape si Mallari.