Kinatawan ng Miss Manila ’24 na lalahok sa panibagong kumpitisyon, binati ni Mayor Honey
Advertisers
NAGPAHAYAG ng pagmamalaki si Mayor Honey Lacuna at binati ng best of luck ang lahat ng kinatawan ng Miss Manila na sumali na sa kumpitisyon sasali pa lamang sa panibagong kumpetisyon Dito sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Ang mga kinatawan ng Miss Manila ay prinisinta ni Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo sa flagraising ceremony nitong Lunes sa Manila City Hall.
Sinabi ni Lacuna na si Miss Manila Charity Xena Ramos ay konoronahan din bilang Mutya ng Pilipinas – Charity 2024.
Nagwagi naman bilang Miss Friendship International Philippines 2024 si Manila finalist Imee Soyangco at kakatawan sa Maynilla at sa bansa sa darating na kumpetisyon sa China.
Samantala ang Miss Manila 2024 1st Runner-up na si Dra. Jubilee Therese Acosta ay lalahok din sa Miss Grand International at kakatwan sa city of Manila.
Ang Miss Manila finalist naman na si Jasmine Paguio ay lalahok sa Hiyas ng Pilipinas.
Binati ni Lacuna ang lahat ng magagandang dilag na nagmula sa Manila at sinabing dahil dito ay proud ang lahat ng Manileño. Lahat sila ay nanalo ng iba’t-ibang titulo sa katatapos na Miss Manila beauty pageant na isa sa tampok sa ‘Araw ng Maynila’ celebration para sa ika- 453 taong pagkakatatag ng Maynila tuwing Hunyo.
“Ako naman po si Miss Ina ng Maynila hanggang lumagpas ang 2025,” sabi ni Lacuna sa pagtatapos ng kanyang talumpati kaya naman sinalubong ito ng masigabong palakpakan mula sa mga city officials at kawani na naroroon. (ANDI GARCIA)