Advertisers

Advertisers

SAMAHAN NG MGA AIR CARRIERS NG PILIPINAS, SINUSUPORTAHAN ANG NEW NAIA MANAGEMENT

0 10

Advertisers

ANG New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC) na pinamumunuan ng San Miguel Corporation ay handa nang pormal na kunin ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Sabado, Setyembre 14.

Nangako si San Miguel Chairman Ramon Ang ng mga pagpapabuti sa pangunahing gateway ng bansa na inilarawan bilang isa sa ‘world worst airport’.

Sa Aviation Forum na inorganisa ng Economic Journalists Association of the Philippines, sinabi ni Ang na nakuha na ang pondo para sa proyekto na mayroong capital expenditure na P123.5 bilyon, paunang bayad na P30 bilyon, at P2 bilyon kada taon sa annuities.



Ayon kay Ang, ayaw na ayaw niyang tawagin ng mga foreigner ang NAIA na worst airport in the world, kaya gusto nitong makasiguro na siya ang magkaroon ng pagkakataon na mag-rehabilitate ng NAIA.

Samantala, ang Air Carriers Association of the Philippines o ACAP ay umaasang mapabuti ang karanasan ng mga pasahero sa pamamahala ng New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC)

Nagpahayag ng suporta ang ACAP sa New NAIA Infrastructure Corp, na nakatakdang mamahala sa maintenance at operations ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) simula Setyembre 14.

Ang ACAP, na binubuo ng mga air carrier ng Pilipinas tulad ng AirAsia Philippines, CebGo, Cebu Pacific, PAL Express, at Philippine Airlines, ay umaasang mapapahusay ang imprastraktura at positibong epekto sa karanasan ng kanilang mga pasahero.

Base sa pagtaya ng grupo ,maaaring asahan ng mga pasahero ang mga pagsasaayos sa mga gastos sa paglalakbay kapag ipinatupad ang mga bagong bayarin sa paliparan.



Ang ACAP ay patuloy na makikipagtulungan sa NNIC at sa gobyerno upang tumulong na maiwasan ang posibleng pagtaas sa gastos sa paglalakbay at matiyak ang parehong interes ng mga airlines at mga pasahero.

Sinabi ng ACAP na inaasahan din ng mga airlines ang positibong resulta para sa lahat ng mga stakeholder sa paglilipat sa privatized airport management. (JOJO SADIWA)