Advertisers
Arestado ang 24-anyos na lalaki na gumahasa sa 52-anyos na babae na may kapansanan sa Valenzuela City.
Sinabi ni Police Captain Joan De Leon, Valenzuela City Police chief public information officer, na nahuli ang suspek noong Biyernes matapos mahuli sa akto ng mga rumespondeng opisyal ng barangay.
Sa ulat, may kapansanan sa pag-iisip ang biktima.
Isang grupo ng mga barangay officer ang rumesponde sa pinangyarihan kasama ang kapitbahay na nanawagan.
Nakakulong na ngayon ang suspek sa custodial facility ng Valenzuela City Police. (Beth Samson)