Advertisers

Advertisers

Ex-Mayor ng Ilocos Sur, 18 pa swak sa illegal detention at grave coercion

0 287

Advertisers

BINASAHAN na ng sakdal para sa kasong serious illegal detention at grave coercion si dating Cabugao, Ilocos Sur Mayor na ngayo’y Konsehal Josh Edward Cobangbang at 17 iba pa.
Isinagawa ang arraignment kay Cobangbang at sa mga kapwa niya akusado sa sala ni Judge Conrado Tabaco ng Regional Trial Court, Branch 12, Sanchez Mira, Cagayan.
Ipinag-utos ng husgado ang paglipat sa mga akusado mula sa PNP Regional Office 1 patungo sa Provincial Jail sa Sanchez Mira para madali itong madala sa hukuman kung kinakailangan at para na rin sa kanilang seguridad.
Itinakda ng korte ang pagdinig sa petition for bail hearing ng mga akusado sa December 11.
Ang kasong serious illegal detention ay non-bailable offense at may parusang reclusion perpetua kapag napatunayan.
Ang kaso ay isinampa ni Virginia Nicole Savellano-Ong matapos ipag-utos ng dating alkalde ang pagpapasarado ng resort na pag-aari ni Ong kahit na nasa loob pa ang may-ari, menor de edad na anak at mga tauhan nito.
Naunang nakasampa ang kaso sa Cabugao RTC Branch 24 pero nalipat sa Cagayan matapos maghain ng petisyon si Ong sa Supreme Court.