Advertisers

Advertisers

‘NARCO MAYOR’ SA LAGUNA PINASOK SA MUNISIPYO, TINODAS!

0 258

Advertisers

LAGUNA – Patay ang alkalde ng Los Banos dito sa lalawigan nang pagbabarilin mismo sa munisipyo Huwebes ng gabi.
Ang nasawing municipal mayor ay si Ceasar Perez na nagtamo ng mga grabeng tama ng bala ng baril sa likurang bahagi ng kanyang katawan.
Sa ulat ni Police Lt. Col. Reycon Garduque, hepe ng Los Banos Police, kay Laguna Provincial Director Col. Serafin Petalio, 8:45 ng gabi nang maganap ang insidente pagkatapos magpamasahe ng opisyal sa likurang bahagi ng munisipyo kungsaan siya pansamantalang nag-oopisina at tumatanggap ng mga bisita.
Ang talagang Mayor’s Office ay nasa 2nd floor ng gusali ng munisipyo pero bihira na raw umaakyat rito ang alkalde simula nang mapasama ang kanyang pangalan sa narco-list ni Pangulong Rody Duterte.
Nabatid na sumalisi ang gunman nang ihatid ng driver-bodyguard ni Perez ang masahista. Naglalakad ang alkalde nang barilin ng ilang beses mula sa likuran. Hindi na naabutan ng kanyang dalawang badigard na pulis ang salarin.
Isinugod pa sa HealthServ Hospital ang alkalde pero nalagutan din ito ng hininga dahil sa mga grabeng tama ng bala.
Sa ulat ni Laguna PNP Public Information Officer (PIO) Lt. Col. Chitadel Gaoiran, ang alkalde ay nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo, dalawa sa dibdib at kaliwang balikat mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril.
Kaugnay nito, nagbuo na ng Special Investigation Task Group Perez (SITG) ang pulisya para matukoy ang mga salarin at ang motibo ng paglikida sa alkalde.
Ilang buwan lang ang nakararaan ay tinambangan, pinaslang din ang nakababatang kapatid ng alkalde na si Ruel sa Barangay Maahas.
Si Mayor Perez ay unang naging Punong Barangay ng Batong Malake bago naging alkalde at naging bise gobernador ng lalawigan na pagkatapos ng isang termino ay muling bumalik sa pagka-alkalde ng Los Banos. (Dick Garay)