Advertisers

Advertisers

Masamang paghihiganti ni Duterte: Ang politikal na pag-target kay ex-Mayor Mabilog

0 46

Advertisers

MATAPOS ang pitong mahabang taon ng sapilitang pagtago sa Amerika, nakabalik na sa wakas sa Pilipinas ang dating alkalde ng Iloilo City na si Jed Patrick Mabilog, na determinadong linisin ang kanyang pangalan mula sa mga alegasyon ng ilegal na droga na minsang nagpagulo sa kanyang buhay.

Sa isang emosyonal na panayam kay Karen Davila, ibinahagi ni Mabilog na pinili niya ang landas ng pagpapatawad. Ibinahagi niya na ang tanging hangad niya ay kapayapaan—para sa kanyang sarili, sa kanyang pamilya, at isang buhay na malaya mula sa nakakabahalang alingawngaw ng mga walang batayang akusasyon ng ilegal na droga ni dating Pangulo Rody Duterte na nagbigay dungis sa kanyang reputasyon.

Si Mabilog, na noon ay malapit na kaibigan ni Senador Franklin Drilon, isa sa mga pangunahing kritiko ni Duterte, ay kabilang sa mga kasama sa narcolist ni Duterte—isang listahan na maliwanag na kulang sa kapani-paniwalang ebidensya at higit na tungkol sa pampulitikang paghihiganti kaysa sa pagpapatupad ng batas. Gayunpaman, ang salita ni Duterte ay sapat na upang magsimula ng isang kampanya ng pampulitikang pag-uusig laban sa kanya.



Kamakailan, tumestigo si Police Lt. Colonel Jovie Espenido sa harap ng House Quad Committee kung paano siya inutusan nina Duterte at noo’y PNP Chief ngayo’y Senador Ronald “Bato” dela Rosa na tanggalin “by all means necessary” si Mayor Espinosa ng Albuerta, Leyte at si Mayor Parojinog ng Ozamiz noong 2016 batay sa sinabi ni Duterte na sila ay narco-politicians.

Matapos mapatay sina Espinosa at Parojinog, ang bagong asignasyon ni Espenido ay si Mabilog sa Iloilo.

Sa una, malugod na tinanggap ni Mabilog si Espenido at ipinahayag ang kanyang hangarin na makipagtulungan:

“In the city of Iloilo, I will share with him our own strategies and compare notes on how to win this war at the barangay level,” sabi ni Mabilog sa Hiligaynon.

Ngunit ang pahayag ni Duterte ma re-assign ni Espenido ay nagbigay-dahilan sa desisyon ni Mabilog na tumakas ng Pilipinas: “Mabuhay kaya siya?”



Si Mabilog, sa panayam kay Karen Davila, ay naging emosyonal nang ibahagi niya ang matinding takot na bumalot sa kanya noong panahong iyon: ” Personally while I experience all this pain and these persecution. ‘Yung sinasabing nanginginig ‘yung spine, fear… naramdaman ko po iyon sa takot for me and my family.”

Sa pag-imbita ngayon sa kanya ng QuadCom na tumestigo sa harap ng Kongreso, ipinahayag ni Mabilog ang kanyang kahandaang sumulong, hinihimok ng mga makabuluhang natuklasan ng QuadCom sa kanilang mga imbestigasyon hanggang sa ngayon: “We can now finally find justice like what is finally happening right now in Congress.”

Umaasa siya na sa pagharap niya, maaari siyang magsilbing inspirasyon sa mga Pilipino na naging biktima rin ni Duterte.

Ang pagbagsak ni Mabilog ay nagsisilbing nakakabahalang paalala kung paano ginamit ang narcolist ni Duterte bilang sandata upang puntiryahin ang mga kalaban sa politika at patahimikin ang mga hindi sang-ayon sa kaniya. Marami sa mga target nito, kabilang si Mabilog, ay tahasang mga kritiko na naglalabas ng mga seryosong katanungan tungkol sa tunay na layunin ng narcolist.

Ang kakulangan ng matibay na ebidensiya laban kay Mabilog ay nag-iiwan ng maliit na puwang para sa pagdududa—ito ay isang pampulitikang pag-uusig o political persecution, kungsaan isinasantabi ang ‘rule of law’ pabor sa mga personal na paghihiganti ni Duterte. Mismo!