Advertisers
NAKAPAGTALA lamang ang Department of Health (DOH) ng 934 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Biyernes, Disyembre 4.
Samantala ay mayroon namang naitalang 148 na gumaling at 63 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.5% (28,379) ang aktibong kaso, 91.5% (399,457) na ang gumaling, at 1.95% (8,509) ang namatay.
Nanguna ngayong araw sa mga lugar na may mataas na naitalang kaso ay ang Quezon City na may 75 at Laguna, 59.
Habang nakapagtala naman ng kaparehong bilang ang Baguio City, Bulacan at Davao City na may tig-34 kaso.
Sa ngayon ay 11 laboratoryo ang bigong makapagsumite ng kanilang datos nitong Disyembre 3. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)