Advertisers

Advertisers

No. coding, truck ban suspendido pa – MMDA

0 272

Advertisers

KINUMPIRMA ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido pa rin ang number coding scheme at truck ban sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila dahil sa pandemya.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, ito ay matapos nilang tutulan ang panawagan na ibalik ang number coding scheme at truck ban sa kamaynilaan
Depensa ni Garcia, wala pa kasi sa full capacity ang mga pampublikong transportasyon at hindi rin munang maaring ibalik ang truck ban dahil kailangang-kailangan maihatid ang mga suplay ng pagkain sa maraming panig ng bansa.
Gayunman, sinabi naman ni garcia na makikipag ugnayan sila sa dti o Department of Trade and Industry (DTI) upang matukoy ang mga truck na para sa mga “essential goods”. (Josephine Patricio)