Advertisers
Patay ang isang lalaki nang pagsasaksakin ng sariling kapatid sa Brgy. Natba, Bacarra, Ilocos Norte.
Kinilala salarin na si Elson Paulino, 42-anyos; habang ang biktima kinilalang si Edwin Paulino, 34-anyos.
Ayon kay Captain Dionisio Baldillo, hepe ng PNP Bacarra, lulong sa alak ang magkapatid nang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan hanggang umabot sa pananaksak ng salarin.
Nagkaroon din ng komprontasyon ng biktima sa kanyang kuya hinggil sa isinanlang lupa na posibleng isa sa dahilan ng pananaksak.
Dagdag ni Baldillo na hindi na interesado ang kanilang ina na magsampa ng reklamo laban sa anak nitong nakapatay.