Advertisers
Ni Jovi Lloza
EVERYBODY knows ang closeness nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez lalo nang magsama sila sa isang project.
Mas lumalim ang kanilang pagtitinginan at hinalang sila na dahil lagi silang naiispatan na magkasama.
Bigla na lang na parang bula na nawala ang linkage sa dalawa na palaisipan sa fans kung naging sila ba?
Hanggang umentra si Jericho Rosales na isa ring may anak na at may nakaraang relasyon tulad ni Paulo.
Naging malapit din sila sa isa’t isa pero may pagkakaiba naman sina Paulo at Echo.
Kung si Paulo ay tahimik lang iba naman si Echo at talagang proud at ibinuyanyang sa buong Universe na nag date sila ng dalaga na si Janine.
Ikinatuwa naman ito ng ina na si Lotlot De Leon kaya na ask ang beteranang actress kung may di na proud na nagsabi na nai- date nila ang dalaga.
Maikli lang sagot ni Lotlot na di nito alam pero ayon sa netizen na nagbigay na ng kahulugan sa sinabi ni Lotlot at ito nga raw ay patutsada kay Paulo.
Pero ani ng netizen na di maikakaila na ligawin o lapitin si Janine ng mga lalakeng may anak na.
***
James ayaw na maka-work ang ex-gf na si Nadine
NAKIUSAP si James Reid sa mga mamba-bash sa kanila na till now ay di pa rin maka move on sa kanilang hiwalayan ng ex gf na si Nadine Lustre.
Masyado na nga raw affected ang kanyang mental health.
Tanggapin na nga raw na wala na ang JaDine at nakiusap ang actor singer na tigilan na ang pag uugnay sa kanila ni Nadine.
Kung sakali nga raw na may offer to do a project with her ay ililigwak ito ni James.
Ito nga raw ay respeto sa kanyang gf na si Issa Presman.
Well, well, well…’Yun na!