Advertisers
Sa kabila ng pagtutol ni EX-CEBU CITY MAYOR TOMMY OSMEÑA ay wala itong nagawa at sa halip ay ang EX-PRESIDENTIAL GIRL ROYINA GARMA ang naging POLICE CHIEF pa rin sa lungsod na pinangangasiwaan ng una.
Nitong mga nakaraang pagdinig ng CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC) ay inusisa ng mga MAMBABATAS ang alitan nina OSMEÑA at GARMA noong 2018
hanggang 2019 habang nakaupo si GARMA bilang CEBU CITY POLICE CHIEF.., na ayon sa pormal na proseso ay dapat may basbas at aprubado ng MAYOR ang pagluklok sa hepe ng kapulisan.., yan ay upang masigurado ang maayos na pamumuhay sa lungsod.., pero, sa kabila ng pagtutol ni OSMEÑA ay naluklok pa rin ng EX-PRESIDENT si GARMA.
Ayon kay GARMA ay sinubukang harangin ni OSMEÑA ang paghirang sa kaniya dahil ayaw nitong ibigay sa kaniya ang KAPULISAN ng CEBU.
Gayunpaman ay nilinaw ni OSMEÑA at sinabing bago pa man ito maging hepe ay nakatanggap siya ng report mula sa PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE (PCSO) na nagsasabing tumatanggap si GARMA ng lagay na nagkakahalaga ng P1 Milyon bawat linggo mula sa mga ilegal na sugal noong CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP (CIDG) CHIEF pa ito ng DAVAO.
Bilang pagprotekta sa mga taga-CEBU ay sinabi agad ni OSMEÑA kay DUTERTE ang nilalaman ng report.., kung saan ay nakipagkita si OSMEÑA kay DUTERTE at kay BONG GO sa MALACAÑANG na sinabi niti at ipinakita ang nilalaman ng report.., pero sinabihan lamang siya na pag-aaralan ng Malacañang ang mga alegasyon. Kahit walang kwalipikasyon si GARMA ay naluklok pa rin ito bilang CEBU CITY POLICE CHIEF.
Noong interpellation ng CQC, lumabas na nabigyan lamang si GARMA ng matataas na posisyon dahil malapit ito kay DUTERTE. Nakakapagtataka nga lang na pumunta pa si GARMA ng DAVAO para maging pulis kahit na taga-CAGAYAN naman talaga ito.., na noong naging PRESIDENT si DUTERTE ay ginawa siyang CEBU CITY POLICE CHIEF sa ilalim ng pagkukunwari na layunin itong sugpuin ang pagbenta ng illegal na droga at mga ilegal na sugal na sinasabing talamak noong panahon na iyon.
Ilang beses na natanong ng CQC si GARMA kung bakit ito lubos na pinagtitiwalaan ni DUTERTE. Malamang ay hindi nito sinabi ang totoong sagot na siya ay isa sa mga NOBYA ni DUTERTE. Isang reliable source ang nagsabi na habang kumakain sila nina Duterte at Garma ay inamin ni Duterte na sumisiping siya kay Garma. Matatandaang sinabi noon ni BATO DELA ROSA na may isa pang mas malapit sa tenga ni DUTERTE kaysa sa kaniya.., e sino ba namang mag-aakala na ang binubulong pala nitong opisyal na ito ay kalandian na pala hehehe.
MUTUAL naman ang relasyon ni DUTERTE at GARMA.., sumisiping itong si Garma at sinusunod ang lahat ng gusto ni Duterte habang binibigyan naman ni Duterte si Garma ng kapangyarihan. Tiniyak din ni GARMA na maayos na tumatakbo ang sindikato ni Duterte at hindi ito matutuklasan.., malinaw na siya ang babae ng EX- PRESIDENT DUTERTE!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.