Advertisers

Advertisers

HAMON SA KAHIRAPAN

0 3

Advertisers

MAGANDA ang ipinakita nitong isang naka-graduate at nakakuha ng degree sa BS Geography, sa University of the Philippines Diliman na si Ariel Dome, nang ilahad ang kanyang kwento bilang aduate with a brought more than a graduation story sa TV program na “Eat Bulaga!.”

Ang kanyang mensahe ang bumasag sa aking kaisipan at damdamin, dahil ang sabi nitong di Done nakipaglaban siya sa kahirapan bago nakamit ang kanyang minimithing pagtapos sa pag-aaral at magkaroon ng ganung degree upang mabigyang pag-asa ang kanyang pamilya na makaahon sa kahirapan.

Ngunit hindi ito ang bumasag sa akin, sabi ni Dome, di ito ang dapat na ikahanga sa kanya o’ sa kanyang pagsusumikap.

“Ideally, kung equal lahat ang meron tayo sa mundo, hindi natin mae-experience ang mga ganitong bagay,” ang kanyang tinuran. Bakit ganito ang kanyang punto?

‘Systemic poverty’, ayon kay Dome ang kanyang raw tinawid. Ibig niya bang sabihin, talagang ginagawang mahirap ang karamihan sa atin? Ano ang kanyang gusting iparating?

Sabi ni Dome, sinasamantala ng iba ang pagiging matiisin nating mga Filipino. Pinayahag niya ito sa harapan ni Maine Mendoza-Atayde na asawa ng isang pulitiko at tinuran ang sarili bilang Isang
“tunay na iskolar ng bayan.”

Kaya naman pinahanga ako nitong si Done, dahil alam ko, kaya niya nasasabi ang mga ganitong mga bagay dama niya ang kahirapang sanhi ng mga ganid na tao. Kaya nga siguro tayo pinaghihirap din ng mga baha, dahil sa kahirapang gawa ng iba nating kababayan, karamihan sa kanila ay mga pulitiko pa, na nabansagang public servant.

Bakit nga naman tayo dapat hangaan bilang matiisin at matatag sa kabila ng paghihirap, gayong gawa pala ng iba ang ating kahirapan.

Siguro panahon na nating mga mahihirap ang tapusin ang katiwalian. Panahon na para di ihalal ang mga ganid sa PERA, at mapagsamantala sa kapwa.